-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sinampahan na ng kaso ang mga nahuling nagsasagawa ng vote buying kasabay ng midterm elections sa lalawigan ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Director PCol. Marlon Tayaba, sinabi nito na kinasuhan ng paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code ang apat sa 64 na mga nahuling nagsasagawa ng vote buying.
Ayon kay Tayaba, ang mga ito ay nagmula sa mga bayan ng Concepcion, Lambunao, Barotac Nuevo at Calinog, Iloilo.
Ani Tayaba, tumanggi ang mga naaresto na isiwalat ang mga nag-utos sa kanila na magsagawa ng pamimili ng boto.