-- Advertisements --

Nagpaabot ng pagkilala ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga pulis na nasagutan matapos na makaharap ang mga raliyista sa Maynila noong Bonifacio Day.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, matapang na hinarap ng kanyang mga tauhan ang panganib.

Ayon kay Marbil, ang ganitong uri ng pagpapakita ng kagitingan at katapatan sa trabaho ay dapat kilalanin at papurihan.

Tiniyak rin ng PNP na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang mandato na itaguyod ang kaayusan at kapayapaan at protektahan ang publiko.

Giit ni Marbil na ang pagharap ng mga pulis sa mga raliyista sa Mendiola ay pagpapakita lamang ng propesyonalismo at pagpapairal na rin ang maximum tolerance.

Maaalalang nagkagitgitan ang mga raliyista at pulis na nagresulta sa pagkasugat ng ilan sa mga pulis.