Mariing kinondena ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang ginawang pananambang ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa mga police crime scene investigators kaninang umaga sa Davao del Sur.
Alas-7:30 kaninang umaga tinambangan ang composite police investigator team mula sa Bansalan Municipal Police Station at Scene of Crime Operations (SOCO) ng Davao del Sur Police Provincial Office ng komunistang grupo habang rumesponde ang mga ito sa isang krimen sa lugar.
Ayon kay PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na batay sa inisyal na imbestigasyon tinukoy na mga rebeldeng komusita ang responsable sa brutal na pagpatay sa apat na pulis.
Ito ay batay sa trademark ng komunistang grupo.
“The trademark of ruthless treachery, patented by the CPP-NPA, has reared its ugly head again in this latest attack against a non-tactical police team of laboratory technicians and technical specialists who, by the nature of their functions, are non-combatants.†pahayag ni Carlos.
Kaagad namang nagpadala ng mga tauhan ang Davao del Sur Police Provincial Office ng mga tropa mula sa Public Safety Company para ma retrieve ang mga bangkay ng mga nasawing pulis.
Nagpahayag ng pakikiramay si PNP Region11 director CSupt Manuel Gaerlan sa mga pamilya ng apat na pulis na napatay sa ambush.