-- Advertisements --

Isinasailalim na ngayon sa validation ng Philippine National Police (PNP) ang bagong drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson Dionardo Carlos, tinitignan na nila ang “link diagram” ng umano’y mga drug lord na siyang nagpopondo sa teroristang Maute sa Marawi City.

Sinabi ni Carlos na kanila na ring inaalam ang sinasabing pagkakasangkot ng mga ilang mga local officials doon at iba pang malalaking tao na idinadawit sa illegal drug trade.

Una nang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang drug matrix noong nakaraang linggo kung saan makikita rito na ang napatay na alkalde ng Ozamiz na si Reynaldo Parojinog ang isa sa mga nagbibigay umano ng pondo sa teroristanf Maute.

Dagdag pa ni Carlos, kanila ring tinitingnan na bukod sa iligal na droga, source rin daw ng pondo ng mga terorista ang mga pumapasok na mga iligal na kontrabando.

Pagbibigay-diin ni Carlos na sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa teroristang grupo kapalit nito ay proteksiyon.

“Yung nilabas ng pangulo na link diagram those who have funded the activity in Marawi, from the level of the PNP we are also looking at the list.  ‘Yung link ng those who are local officials in the area plus ‘yung, ito money trail ito eh, and then look at the those who are involve in Marawi,” pahayag pa ni Carlos.