Pag-aaralan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatalaga ng Korean interpreter na tatanggap sa mga tawag ng mga koreano sa hotline ng Counter Intelligence Task Force (CITF).
Una rito, mismong si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang hotline ng CITF sa Korean community sa Pampanga sa isinagawang consultative meeting kagabi sa Clark.
Ayon kay Dela Rosa, makikipag koordinasyon na lamang sila at hihingi ng tulong sa Korean embassy para sa interpreter.
Ang planong paglalagay ng interpreter sa CITF ay matapos matanong si Dela Rosa kung meron bang makaiintindi sa mga taga CITF na tatanggap ng tawag ng mga Koreano na may gustong ireklamo o isumbong na police scalawags.
Layunin ng hakbang na ito ni Dela Rosa na mabilis na maiparating sa kanila ang anumang concern o sumbong ng sinumang Korean national na nasa bansa upang agaran din itong matugunan ng mga otoridad.
Samantala, nagpapasalamat naman si Korean Ambassador Kim Jae Shin kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinakikita nitong concern sa Korean community sa bansa.
Nalulugod din aniya sila sa panahong inilaan ni dela rosa para sila harapin at pakinggan ang kanilang mga hinaing.