Tuluyan nang sinibak ng Philippine National Police sa pwesto ang isang miyembro ng SAF na nag positibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ito ang kinumpirma ng pambansang pulisya sa isang mga kawani ng media.
Ayon kay PNP SAF Director Police Brig. Gen. Mark Pespes, matapos ang isinagawang drug test sa 93 nilang tauhan ay nagpositibo ito.
Nakatanggap kasi aniya sila ngintelligence report na may bahagi ng SAF na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi pa ni Pespes na nag-iisa lamang aniya itong nagpositibo mula sa buong bilang na 93 at ito ay may ranggong patrolman.
Sa isinagawang initial drug test noong nakalipas na linggo ay nag positibo ito at muling nagpositibo matapos ang confirmatory test.
Tinanggap na rin aniya ng naturang pulis ang naging resulta ng drug test at ang hatol sa kanya.
Inilipat na ang naturang patrolman sa Holding and Accounting Unit ng SAF hanbang mahaharap ito sa mga kasong kriminal at administratibo