Kinumpirma ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na may mga insidente ng pagpatay na hindi masusing naimbestigahan sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Sa isang press conference, sinabi ng hepe ng pambansang pulisiya na ito ang isa sa dahilan kung bakit sinibak kamakailan ang ilang pulis sa 2 lalawigan sa Central Luzon.
Kabilang na dito ang mismong hepe ng Pampanga provincial police na si Col. Levi Hope Basilio at municipal police chief ng Porac na si Lt. Col. Palmyra Guardaya para bigyang daan ang imbestigasyon sa umano’y ilegal na operasyon ng POGO complex sa Porac.
- Sen. Lapid handang magbitiw kapag napatunayang konektado sa POGO
- Mayor Alice Guo at 17 iba pa nasa lookout bulletin na ng BI
- Apela ni Mayor Guo vs suspension, ibinasura ng Ombudsman
- Inspeksyon ng LGU Porac sa POGO hub na Lucky South 99, nagisa sa pagdinig ng Senado
Habang sa Tarlac naman, sinibak ang buong police force sa bayan ng Bamban noong nakalipas na buwan kasunod ng ikinasang raid noong Marso 14 sa POGO hub doon na nagbunsod din sa imbestigasyon sa kaugnayan ng alkalde nito na si Mayor Alice Guo.
Samantala, una ng sinabi ng PNP chief na bagamat kailangang panagutin ang ilang police personnel, nilinaw ni Gen. Marbil na hindi sila maituturing bilang protektor ng POGO.
Ito ay dahil mayroon aniyang integrity monitoring group ang PNP na sumusuri sa kanilang mga tauhan at ang hinahabol dito ay ang inefficiency ng mga nakatalagang pulis kung bakit hindi inimbestigahan at iniulat sa kanilang headquarters ang nasabing mga insidente.