-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinumpirma ng Iloilo City Police Office na may ilang mga elected official sa lungsod ng Iloilo na may natanggap na banta sa kanilang buhay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Shella Mae Sangrines, sa katatapos lamang na local threat assessment, dalawa lamang sa 2,833 na elected officials mula sa kongresista hanggang Sangguniang Kabataan members ang nakatanggap ng low level na death threat.

Aniya, ang mga bantang ito ay nakuha ng mga opisyal dahil sa kanilang trabaho.

Inaanyahan naman ang mga ito na maging security conscious at maging alerto.

Una nang sinabi ng Police Regional Office VI na sa buong Western Visayas, 26 na elected government officials ang nakatanggap ng banta sa kanilang buhay.