Kinumpirma ng Philippine National Police na nasa maayos na kalagayan ngayon ang kalusugan ni Kindom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa pulisya , sa kabila nito ay sumasailalim pa rin ang kontrobersyal na pastor sa iba pang gamutan at examination.
Kinakailangan lamang ng court approval sa mosyon na magkaroon itong muli ng medical examination.
Si Quiboloy ay na detain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City habang pansamantala itong inilipat sa Philippine Heart Center.
Samantala , inaprubahan naman ng Pasig City RTC ang mosyon na mapalawig ang pamamalagi nito sa naturang ospital dahil naman sa dental issues ng pastor.
Ang pagkakadetain ng pastor ay may kinalaman sa patong-patong na kasong kinakaharap nito sa korte ng bansa.
Kabilang na rito ang child at sexual abuse, human trafficking at iba pang kaso.