Kinumpirma ng pamunuan ng Police Regional Office-5 (PRO5) na ang dating whistleblower na si Peter Joemel “Bikoy” Advincula ang siyang responsable sa pagpatay sa tatlong personalidad na nadiskubre sa isang paupahang establishment sa Daraga, Albay noong November 12.
“The DMPS have convinced the legal body/court base on the facts and circumstances and evidences collected by our vigilant investgators that the culprit for the murder of 3 political candidates of Donsol is Peter Joemel Advincula aka Bikoy,” mensahe ni PRO-5 regional police director BGen. Jonnel Estomo.
Sinabi ni Estomo na sa nasabing development kanila nang itinuturing na solve na ang nasabing murder case.
Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Helen Advincula Garay, incumbent municipal councilor ng Donsol, Sorsogon; Karren Averilla at Xavier Alim Mirasol pawang mga kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Donsol para sa 2022 national and local election.
Itinurong suspek si Advincula, matapos ireport sa pulisya ng isang Lalaine Herrera ang tangkang pagdukot sa kaniya ng suspek.