Kinumpirma ngayon ng PNP-Counter-Intelligence Task Force na may police officials na ang kabilang sa inireklamo sa kanilang hotline.
Ayon kay CITF Director SSupt Jose Chiquito Malayo, umabot na sa star rank o one star general ang nairereport sa kanila at ngayon ay kasalukuyang bina validate ang report para matiyak ang katotohanan sa reklamo.
Paliwanag ni Malayo, na ilan sa mga inireklamo sa ilang matataas na opisyal ng PNP ay nasasangkot sa mga kasong illegal drugs, illegal gambling, at kidnapping ang kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng PNP.
Sinabi ni Malayo na patunay ito na hindi lamang mga maliliit na mga pulis ang kanilang babanggain sa isinasagawang internal cleansing ng PNP kundi maging ang mga high-ranking officials.
Kahapon, naaresto ng CITF sa entrapment operation sa Caloocan si PO1 Sonny Pacleb matapos itong manghingi ng P1,000 kapalit nang hinihinging certification ng threat assessment na kailangan ng biktima para sa permit to carry firearms.
Batay sa datos ng PNP CITF na umabot na sa mahigit 2,000 ang natatanggap na tawag at text ng CITF mga reklamo laban sa mga abusadong pulis simula nang buksan ang kanilang hotline.