DAVAO CITY – Kumpirmadong ginahasa at pinatay ang 28-anyos na babaeng arkitekto , na natagpuan ang bangkay nito sa isang Banana Plantation sa Dacudao, Calinan Davao City, kahapon. Ito ang ibinunyag ng tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO) na si PMaj. Catherine Dela Rey.
Ayon ni Dela Rey, idineklarang kasong Rape with Homicide sa Calinan Police station ang pagpatay kay Vlanche Marie Laruan Braga, ito ay base sa isinagawang autopsy report ng Regional Forensic Unit 11.
Dagdag pa ni Dela Rey, hindi pa natutukoy ang Person of Interest at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung saan tinitingnan nila ang lahat ng possibleng anggulo sa krimen.
Ayon sa mga nakasaksi, may isang pasahero na nakasama ng biktima na sumakay din sa “baobao”, na siyang pinaniniwalaan din ng mga pulis nakasabwat ng suspek sa krimen
Kung hindi man, panawagan na lamang ni Dela Rey na makipag-ugnayan sa pulisya at iulat ang nalalaman nito dahil, itiniyak nito na magiging “confidential” ang pagkakakilanlan ng nakasaksi.
Sinabi ni Dela Rey na nakatanggap na lamang ng report ang pulisya mula sa isang trabahador sa Banana Plantation na mag-injection sana ito ng pataba sa halaman. Malaki na lamang ang gulat nito matapos niyang matagpuan ang bangkay rason na humingi itong nga tulong sa pulis. Napag-alaman na ang biktimang natagpuan, ang unang naiulat na nawawala sa Calinan Police Station.
Sa kasalukuyan, Nag-labas na ng mandatu si City Director PCol. Alberto Lupaz, na tulungan ang Calinan Police Station sa imbestigasyon at inabisohan nito ang Police Station 1-9 na imbestigahan ang lahat ng Ombak o ba-bao hingil sa posibilidad na hindi residente sa naturang lugar ang suspek.