May mga hakbang na ring ipinapatupad ang Pambansang Pulisya laban sa mga negosyante na sangkot sa rice smuggling at hoarding na nagsasamantala sa presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde ang kanilang hakbang ay bunsod sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA na binalaan ang mga miyembro ng rice cartel.
Inatasan na rin ni Alabyalde ang PNP Directorate for Operations na repasuhin ang mga nilagdaang kasunduan sa Department of Agriuclture at National Food Authority (NFA).
Tiniyak ni Albayalde na makikipag ugnayan dila sa NBI at Philippine Competition Commission (PCC) para sa whole of government approach para tugunan ang nasabing problema.
Dagdag pa ni PNP chief na ang PNP ang siya namang lead agency sa National Law Enforcement Coordinating Council (NALECC) at ang Directorate for Operations naman ang tumatayong secretariat.
Ang NALECC ay isang platform kung saan dito nagsama sama at nagsa sanib pwersa ang law enforcement at iba pang mga regulatory agencies para mas maging epektibo ang anumang direktiba ng Pang. Duterte.
” I am directing the Directorate for Operations to review all existing operational plans directives and issuances, including existing Memoranda of Agreement with the DA and NFA to identify possible areas of rooms for improvement where we can strenghten law enforcement against rice smugglling, hoarding,” pahayag ni Albayalde.