-- Advertisements --
Nagbabala ang Pambansang Pulisya sa publiko na maaari pa rin silang mang-aresto ng mga drug suspek, kahit tinanggalan na ng kapangyarihan sa war on drugs.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelle Madrid na maari pa rin silang mang aresto sakaling may maaktuhan silang nag abutan ng iligal na droga at hindi na kailangan pang tumawag ng PDEA.
Dagdag pa ni Madrid na maaari rin silang umaksyon kaagad sakaling may nangyayaring krimen na may kaugnayan sa illegal drugs.
Binigyang-diin ni Madrid na kahit wala na sila sa war on drugs mandato pa rin nilang ipatupad ang batas at kabilang dito ang mga gumagamit at nagbebenta ng droga.