Maaari pa rin namang rumisponde at mag-aresto ng mga indibidwal ang pambansang pulisya lalo na kung may nagaganap na krimen na may transaksiyon sa iligal na droga.
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, bahagi pa rin ng kanilang mandato na rumisponde at manghuli ng mga drug suspek lalo na kapag may mga warrant of arrest ang mga ito.
Paliwanag ni Dela Rosa, bagaman wala silang ilulunsad na operasyon laban sa illegal drugs maari naman nilang ipatupad ang batas lalo na sa pagresponde at pag-aresto ng mga suspek sa krimen.
Bagaman itsapwera na sila sa operasyon, giit ni PNP chief mandato pa rin nila na tumugon kung may nagaganap na krimen tulad ng illegal drugs.
Bukod sa internal cleansing sa PNP organization na siyang sentro ngayon ng PNP, mahigpit din nilang tinututukan ang mga operasyon laban sa kriminalidad.
Pero ayon sa PNP chief iiwas muna sila ngayon sa mga operasyon laban sa iligal na droga halimbawa na rito ang mga buy bust operations.
Una nang iniatang ang nasabing mandato sa PDEA.