-- Advertisements --

Naghahanda na ngayon pa lamang ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na midterm elections sa 2019.

Ayon kay PNP chief DIR. Gen. Oscar Albayalde, kanila ng pinaghahandaan ang pagpapatupad ng seguridad bago pa man magsimula ang filing ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula na sa Huwebes October 11 hanggang sa October 17, 2018.

Kinumpirma ni PNP chief na bumuo na sila ng special operations task group.

Layon nito para agad matugunan ang mga elections issues lalong lalo na ‘yung mga harassment at election violence.

Sa data na inilabas ng PNP as of May 13, 2018 nasa 7,926 na mga barangays ang tinukoy na mga election hotspot o areas of concern 896 na munisipalidad.

Sinabi ni Albayalde sa ARMM pa rin ang may pinakamaraming areas of concern.

“We will be evaluating the different commanders on the ground kaya titingnan natin dito kung may mga affiliations, may kamag anak nung tumatakbo. We will consider everything plus yung sobrang afiliation niya doon sa sitting elected official or dun sa mga candidates na tatakbo. That is part of our preparations to level the playing field, to be fair to everyone,” paliwanag pa ni Albayalde.

Inihayag pa ni PNP chief na ang mga hepe ng iba’t ibang Directorate for Police Operations (DIPO) ang mga binuong special operations task group.