-- Advertisements --

Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga apektadong pasahero dahil sa ikinasang dalawang araw na tigil pasada ng transport group na PISTON at MANIBELA.

Ang naturang tigil pasada ay sinimulan ngayong araw hanggang bukas, September 24.

Sa isang pahayag sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, magpapakalat rin sila ng mga tauhan para matiyak ang seguridad ng publiko.

Kaugnay nito ay tiniyak ng PNP na papairalin nila ang maximum tolerance sa mga magkakasa ng transport strike.

Nanawagan rin ito sa dalawang grupo na igalang ang mga kapwa nito driver na piniling huwag makilahok sa tigil pasada.