Kinumpirma ni PNP Chief Lt.Gen. Dionardo Carlos na maghahain ng Motion for Reconsideration (MR) ang PNP sa kaso ni Julian Ongpin, matapos itong ibasura ng Korte sa La Union.
Ayon kay Carlos, inatasan na nito ang La Union Provincial Police Office na makipag-ugnayan sa La Union Prosecutor’s Office para sa ihahaing Motion for Reconsideration (MR).
Pinaiimbestigahan na rin ni Carlos kay PBGen. Emmanual Peralta – regional police director ng Police Regional Office -1 (PRO-1) kung ano ang pagkakamaling nagawa ng kanilang mga Pulis na siyang naging batayan dahilan para natalo sa kaso dahil sa Technicality.
Inatasan rin ni PNP Chief ang Regional Investigation and Detective Management (RIDM) na magsagawa ng review sa nasabing kaso.
Sinasabing umabot sa 12 gramo ng Coccaine ang nakuha sa kuwarto nina Ongpin at ang namatay nitong girlfriend na si Bree Jonson sa isang Resort sa San Juan, La Union.
Ngunit sa desisyon ni Judge Romeo Agacita Jr ng San Fernando, La Union RTC , nagkaroon umano ng kapabayaan sa panig ng mga Pulis sa Chain of Custody ng mga nakumpiskang llegal Drugs.
Hindi agad ito minarkahan sa lugar kung saan ito nakumpiska at ang mga Sachet ng mga pinaniniwalaang Illegal Drugs ay Hindi minarkahan ng isa-isa kundi pinagsama-sama ang mga ito.