-- Advertisements --

Maghahanap na ng ibang supplier ang pambansang pulisya kung saan pwedeng bumili ng mga armas lalo na kung tuluyan ng harangin ng US Senate at Congress ang procurement ng PNP sa pagbili ng armas sa Estados Unidos.

Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na kung hindi na talaga matutuloy ang pagbibili ng armas ng Pilipinas sa US ay dapat maghanap na ng ibang source ang pamahalaan.

Aniya, andiyan naman ang China na nag offer kung saan alok nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na buy one take one pa.

Bukod sa China may mga Russian made din na mga armas na pwedeng bilhin ng Pilipinas hindi lamang mula sa US.

Pahayag ni Dela Rosa na hahanap sila ng paraan para magkaroon ng armas ang mga kapulisan.

Kinukunsidera din aniya nila, na locally made na mga armas ang kanilang bibilhin subalit sa ngayon hindi pa kaya makipagsabayan ng mga local firearms manufacturer sa presyo ng mga foreign suppliers.