Inihayag ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief spokesperson PBGen. Jean Fajardo na nasa 18,802 ang ipapakalat nilang kapulisan sa mga sementeryo at transport terminals bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.
Sa pulong balitaan sa camp crame, sinabi ni Fajardo na ang pinagkaiba lang sa paghahanda nila ngayon ay dahil may mga patuloy pa ring bumabangon sa pagsalanta ng nagdaang bagyong Kristine.
Kaya naman bukod dito, may mga ipapadala din daw ang PNP na augmentation o dagdag na pwersa ng kapulisan sa Bicol region dahil sa nagpapatuloy pa rin na retrieval operations.
Direktiba na rin daw umano ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na i-mobilize ang reserved force para yung mga kapulisan sa Region 5 partikular na yung mga apektado ay magkaroon ng pagkakataon na makalinga ang kanilang mga pamilya.
Kasunod nito, may posibilidad din daw na ma-extend ang pananatili ng mga augmented personnel sa bicol, hanggang sa matapos ang Undas.
Samantala, nagpaalala naman ang pambansang pulisya sa mga uuwi sa kani-kanilang probinsya na tiyaking nakasarado o nakakandado ang kanilang mga pinto ng bahay at bintana para hindi manakawan.
Malaking bagay din aniya ang paglalagay ng CCTV kung kakayanin ng budget.