-- Advertisements --

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang personnel sa mga shopping malls at iba pang public places partikular na sa mga crime-prone areas sa gitna ng inaasahang pagtaas ng krimen kasabay na rin ng pagsisimula ng ‘ber’ months.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, mag-dedeploy sila ng mobile forces at miyembro ng elite Special Action Force.

Sinabi din ng PNP chief na kaniya ng inatasan ang mga district directors para makipag-ugnayan sa mga barangay officials para tukuyin ang mga lugar na dapat paigtingin pa ang police presence.

Iniulat din ni Azurin na bumaba ang index crimes sa unang 56 na araw ng panunungkulan ng Marcos adminsitration.

Ayon sa PNP ang mga krimen gaya ng pagnanakaw, physical injury, robbery, murder, car theft, rape at homicide ay bumaba sa 29,630 mula sa naitalang 35,237 noong July 1 hnaggang Aug. 25.