-- Advertisements --

Tiniyak ng PNP na mas ligtas na ang pamamasyal at paglabas ng ating mga kababayan kasabay ng pagsisimula na ng ber month sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr na ito ay dahil sa mas marami na raw ang kanilang ipapakalat na mga pulis sa mga malls, shopping centers, streets at iba pang mga establishments para mapigilan ang mga crime incidents ngayong “ber” months.

Ayon kay Azurin, inaasahan na raw kasi niyang kapag pumasok na ang ber months ay tataas ang mga krimen hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa buong bansa.

Mayroon din umanong mobile patrols maging ang pagde-deploy ng mga ito ng pecial Action Force (SAF).

Ang mga police officers ay dapat umanong naka-alerto sa mga crime-prone areas.

Nagbigay na rin daw ang PNP chief ng direktiba sa mga district directors na ipagbigay-alam sa lahat ng mga village leaders kaugnay ng kanilang crime expectation para alam nila kung saan magpapadala ang PNP ng kanilang mga personnel.

Una rito, iniulat ni Azurin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marccos na patuloy daw ag pagbaba ng mga index crimes sa unang limamput anim na araw ng pangulo sa kanyang puwesto.

Sinabi ng top cop ng bansa na ang trend ay naobserbahan nang ikumpara ang data mula sa parehong period nang panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 at sa ilalim ng panunungkulan noong 2016 ni President Rodrigo Duterte.