Aabot sa mahigit 77 libong mga pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police sa buong bansa bilang paghahanda sa pagpapatupad ng seguridad ngayong summer season.
Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ito ay bahagai pa rin ng Public Safety Plan ng Pambansang Pulisya para sa 60-araw na “summer vacation” o ang tinatawag na “Oplan Sumvac”.
Inaasahan kasi aniya ang mas maraming mamamayan na babiyahe patungong lalawigan simula sa darating na semana Santa na magsisimula sa Abril 2 hanggang 9.
Dahilan kung bakit agad nang inatasan ng National Headquarters ang mga Police Regional at Provincial Offices na maglabas na ang operatinal guidelines para sa Public Safety plan.
Kabilang dito ay ang paglalatag ng mga Police Assistance desks sa mga strategic places at matatataong lugar para sa mas mabilis pagresponde pulisya kung kinakailangan.
Magdedeploy din ng aabot sa 38,387 na mga pulis bilang foot at mobile patrol habang magpapakalat din PNP ng nasa 39,504 na mga pulis sa mga piling lugar tulad ng kalsada, transportation hubs, terminals, mga pasyalan, simbahan at iba na bahagi pa rin ng mas maigting na police presence sa bansa.
Samantala, kaugnay pa rin nito ay patuloy naman ang panawagan ni PNP chief Azurin sa publiko na makipag-cooperate sa mga awtoridad para sa mas maayos at ligtas na paggunit ng Semana Santa