-- Advertisements --
Hihilingin ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa senado na gumawa ng batas na nag-aatas sa mga bangko na papasukin agad ang mga rumesponding kapulisan sa tuwing may nangyayaring nakawan.
Kasunod ito sa naganap na panloloob sa Metrobank sa Binondo na hindi agad pinayagang makapasok ang mga rumesponding kapulisan nitong Hulyo 11.
Sinabi ng PNP chief, na mahalaga ang pagpasok agad ng kapulisan sa crime scene para mabilis silang makakuha ng ebidensiya sa mabilis na pag-aresto ng mga suspects.
Sinabi nito na hindi lamang naglilimita sa bangko dahil kasama ang mga malls at hotels.
Umaasa ito na hahawakan ni Senator Ronald Dela Rosa ang paggawa ng nasabing batas dahil sa pagiging pulis nito dati.