-- Advertisements --

Ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang mas mabilis at less hassle na firearm licensing sa pamamagitan ng ginawang bagong guidelines na nakatakdang ipatupad ng Firearms and Explosives Office ng PNP.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, layon ng bagong siste na magbigay ng mas ligtas, mas mabilis at mas madaling proseso ng pagpapalisensya ng mga baril para sa mas responsableng gun ownership.

Naglalaman ng mga mas makabagong seguridad at mga feature tulad ng anti-malware protection, web reputation monitoring, activity tracking, device control at two-factor authentication ang bagong guidelines na ito.

Samantala, ayon pa kay Marbil, ang pagkakaroon ng mas advance na reporma ay nagpapakita ng mas malakas na commitment ng kapulisan sa digital transformation at public service excellence.