-- Advertisements --

Patuloy ang pamunuan ng Philippine National Police sa paghahanda para sa nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brog. Gen. Jean Fajardo, magpapatupad sila ng ‘no leave policy’ sa lahat ng kapulisan para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko.

Ang naturang kautusan ay epektibo mula December 15 hanggang January 12, 2025.

Paliwanag ni Fajardo, tuwing kapaskuhan ay normal na ang dagsaan ng mga tao sa mga istratehikong lugar.

Ito ay kinabibilangan ng mga airport, port, churches , malls, lugar na pasyalan at iba pang tinataong lugar tuwing holiday.

Ayon sa data ng PNP, bumaba sa mahigit 21% ang mga krimen na naganap sa bansa sa pagsisimula ng BER-MONTHS ngayong 2024.

Mas mababa ito sa mahigit 25% na naitala sa parehong panahon noong 2023.