-- Advertisements --

Posibleng maging subject na rin ng police operations ang broadcaster na si Erwin Tulfo dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nito isinusuko ang kaniyang mga baril.

Erwin Tulfo
Erwin Tulfo/ IG post

Ito’y kahit nagpadala na ng sulat ang PNP Firearms and Explosives Office (FEO) na nagsasabing expired na ang kaniyang license to own and possess firearms (LTOPF) nuong buwan pa ng Marso at kailangan nitong isuko ang kaniyang mga armas sa pinakamalapit na police station.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde, kapag hindi tumugon si Erwin sa mga gagawing pakiusap ng PNP ay hindi na mag-aatubili ang pulisya na i-subject na ito sa search warrant operations.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi lang naman si Erwin ang kanilang hinahabol kundi ang iba pang mga gun owners na expired ang lisensiya.

Sa datos ng PNP-FEO, nasa pitong baril ang naka-register kay Erwin.

Sinabi naman ni PNP-FEO Director, P/BGen. Val De Leon, hanggang sa ngayon ay wala pang abiso mula kay Erwin kung kailan nito isusuko ang kaniyang armas.