Inatasan na ni Philippine National Police chief General Debold Sinas ang PNP Firearms and Explosives Office (FEO) na magsagawa ng inspections sa mga pagawaan ng paputok na walang permit.
Ito ay bahagi ng kanilang imbentaryo kasunod ng kampanya laban sa mga iligal na paputok at paghahanda na rin sakaling ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total firecracker ban.
Ayon kay Sinas, susunod sila oras na maglabas na ng kautusan ang Pangulo at mahigpit nila itong ipatutupad.
Pagtiyak pa ng heneral, hindi sila mag-aatubiling arestuhin at sampahan ng kaso ang mga lalabag sa firecracker ban.
Paliwanag ni Sinas, delikado ang mga paputok sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Pwede kasi itong magdulot ng sunog at makalason lalo na sa mga bata na naglalro ng paputok.
Samantala, nilinaw naman ni PNP chief na hindi aarestuhin ng mga pulis ang mga nagbebenta ng paputok kundi kukumpiskahin lamang ang kanilang mga firecrackers.
Aniya, kung may mga ordinansa ang mga lokal na pamahalaan tungkol sa pagbabawal ng mga paputok ito ay ipatutupad ng mga pulis.