Magsasagawa ng motu proprio investigation ang pambansang pulisya sa mga pulis na pinangalanan at tinukoy ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Kabilang sa mga pulis na binanggit ni Lascanas ay sina S/Supt. Vicente Danao na kasalukuyang naka-assign sa Directorate for Intelligence (DI) sa Kampo Crame, SPO1 Renato Medina na kasalukuyang naka-assign sa Davao City Police Office (DCPO) habang nag-optional retirement ay sina SPO2 Rizalino Aquino at SPO1 Bienvenido Furog.
Ayon kay PNP spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos na kanilang aalamin ang mga records ng mga nasabing pulis at kung saan ang mga ito naka-assign.
Sinabi ni Carlos na sa gagawing imbestigasyon kanilang aalamin ang naging ugnayan at partisipasyon ng mga ito sa Davao Death Squad (DDS).
Unang sinabi ni Lascanas na si Danao at Medina ang siyang nag-torture kay Edgar Matobato na unang lumabas at ibinunyag na umiiral daw ang DDS.