Magsasampa ng kasong obstruction of justice ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga indibidwal na tumulong sa pagtatago noon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos inihayag ni PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil, na naglunsad na ng full investigation para sa mga taong sangkot sa pagtatago ng pastor.
Matatandaan na nahuli si Quiboloy noong nakaraang Linggo, sa loob ng KOJC compound sa Davao City.
Nahaharap ngayon si Quiboloy sa mga kaso sa ilalim ng Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, pati na rin ang non-bailable qualified human trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act No. 9208.