Magtataas ng alerto ang Pambansang Pulisya kasunod ng isang linggong transport strike na magsisimula bukas, March 6,2023.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Police Colonel Red Maranan, magkakaroon ng adjustment sa duty ng kanilang mga personnel.
Sinabi ni Maranan, 80% ng kanilang pwersa ang naka duty para magbigay ng seguridad at tulong sa mga commuters na maaapektuhan ng transport strike.
Partikular na idi-deploy ang mga police personnel sa mga sakayan o terminal kung saan sumasakay ang ating mga kababayan.
Ipinunto ni Maranan na bukas o mamayang gabi ipatutupad na ang heightened alert status.
Ayon sa opisyal na kanilang imobilize ang kanilang mga resources gaya ng kanilang mga sasakyan para magbigay ng libreng sakay sa mga commuters.
Ito ay bukod pa duon sa mga local government units na nag-alok din ng libreng sakay.
Pinayuhan din ni Maranan ang publiko na maging mapagmatyag at iwasan na lamang lumabas ng bahay kung wala namang importanteng lakad.
Ilang transport groups ang nagpahayag na magsasagawa sila ng tigil pasada dito sa National Capital Region at Central Luzon.
Ito ay bahagi ng kanilang pagtutol sa public utility vehicle (PUV) modernization program na layong palitan ang mga traditional jeepneys ng mga sasakayan na gamit ang environment-friendly fuels.