Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na magtatalaga sila ng 59,587 pulis upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng publiko sa pagdiriwang ng Labor Day 2023.
Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang pahayag na ang deployment ng halos 60,000 pulis ay sapat na upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa lahat ng lugar.
Pinaalalahanan ni Acorda ang kanyang mga tauhan na mahigpit na sundin ang patakaran ng maximum tolerance, igalang ang karapatang pantao, at sumunod sa Police Operational Procedures.
“The PNP will assist in all lawful and peaceful activities in commemoration of Labor Day,” ayon kay PNP Chief Acorda.
Samantala, makikipag-ugnayan naman ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na mapayapa ang pagdiriwang ng Labor Day.