-- Advertisements --

Hahanapin na ng PNP ang mga vaccination cards sa mga pasahero na nagtutungo sa Metro Manila at Bulacan.

Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na ito ang naging bilin niya sa mga kapulisan na nakataga sa mga border checkpoints.

Lahat aniya ng mga walang vaccination cards ay kanilang pagbabawalang makapasok sa lugar at kanila itong pababalikin.

Aminado ito na nagdulot ng matinding trapiko ang unang araw ng pagpapatupad nila ng border checkpoints.

Paglilinaw pa ng PNP chief na hindi pagbabawalan ang mga essential travels gaya ng kautusan mula sa Inter-Agency Task Force.