-- Advertisements --

kalingap

Mamahagi din ng ayuda ang Philippine National Police (PNP) sa mga biktima ng Bagyong “Odette.”

Ito’y matapos nag donate ang Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa PNP ng mga relief goods.

Sa pahayag ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos na binasa ni Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, The Deputy Chief for Administration (TDCA), kanyang pinasalamatan ang kanilang kaagapay para maisakatuparan ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Bahagi ng pahayag ang pagpapasalamat din sa lahat ng personnel ng PNP na tumugon sa pagtulong habang pinuri nito si Police Community Affairs and Development Group (PCADG) Director, Brig. Gen. Eric Noble na siyang nagtimon ng abot tulong, serbisyo o goods sa pamamagitan ng proyektong Barangyanihan.

“Through our PNPBarangayanihan Help and Food Bank we were able to provide proactive response through government services and community support especially during this global health crisis in different places across the country and with this effort I’d like to commend the personnel of thePCADG headed by Brig. Gen. Eric Noble,” bahagi ng speech.

Pinasalamatan din ng PNP ang kanilang mga partners-donors na Women’s Based Advovacy Group Force Multipliers Faith-Based Advocacy Group, Foreign National Keepers Network, Filipino-Indian Commerce and Welfare Society, LGBT Based Advocacy Group, Joint Industrial Peace Concerns Office, Faith Based Advocacy Group Nationa Coalition of IT Advocates for Change, Kabataan Kontra Droga at Terorismo Kaligkasan at Barangay Based Advocacy Group.

“Maraming salamat sa inyong pagtugon at pakikibahagi sa isa na namang misyon ng Pambansang Pulisya at iyo para makapaghatid ng tulong para sa ating mga kapwa Pilipino sa Visayas, Mindanao at iba pang parte ng ating bansa,” dagdag pa ni Noble.