-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ni PNP chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagbabantay sa Marikina-Rizal-Laguna-Quezon Highway o kilala bilang MariLaque.

Kasunod ito sa mga nagaganap na karerahan ng mga motorsiklo na nagreresulta sa pagkasawi ng ilang motorista.

Sinabi nito na kapag nakahuli sila ng nagkakarera sa lugar ay agad nilang ini-impound ang sasakyan at ipapa-suspendi ang kanilang drivers license.

Makikipag-ugnayan ang kapulisan sa local government at Department of Public Works and Highways para maglagay ng road signs ng maging ligtas ang kahabaan ng Marilaque.

Pinaigting na rin ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang pagpapatrolya sa lugar at maging ang pagpapakalat ng mga tauhan nila sa lugar para hindi na maulit pa ang insidente.