Mas maghihigpit pa ang Philippine National Police sa pagpapatupad ng rules and regulations hinggil sa paggamit ng wangwang, blinkers, at iba pang mga kaparehong mga devices sa mga lansangan.
Kasunod ito ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbabawal sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa paggamit nito sa mga kalsada.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, makikipag-ugnyan ang kapulisan sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Metropolitan Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ukol dito.
Kasabay ng pangakong walang kikilingan o sasantuhing sinuman ang kapulisan pagdating sa implementation at pagpapatupad ng naturang kautusan anumang ang kanilang estado sa buhay.
Ayon sa PNP, para sa first offense ay kukumpiskahin ng mga otoridad ang signaling devices ng mga mahuhuli ng violators.
Mahaharap naman sa anim na buwan pagkakakulong at kanselasyon ng vehicle registration at driver’s license ang sinumang mapapatawan ng second offense.
Samantala, kaugnay nito ay makikipagtulungan din ang PNP sa iba pang mga concerned agencies upang suyurin din ang mga tindahan na ilegal na nagbebenta ng mga wangwang at blinkers Kung saan maaari namang makansela ang mga business permit ng mga ito.
Matatandaan na bago pa man ang inilabas na Executive Order No. 18 ni Pangulong Marcos Jr. ay matagal nang ipinapatupad ng PNP Highway Patrol Group ang Presidential Decree 96 na una nang ipinatupad noong taong 1973.