Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mas magiging mabusisi sila sa pagtatalaga ng police security escorts sa mga humihiling na politiko.
Sa ngayon naghihintay na lamang ng clearance mula sa Commission on Election (Comelec) ang lahat ng kandidato sa eleksyon.
Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, napaghandaan na ng PNP ang dami nang mga hihiling ng police escort pero magiging mabusisi sila sa pagbibigay nito.
Kapag may cleareance na mula sa Comelec, paiiralin ng PNP ang alunan doctrine kung saan hanggang dalawang security escort lang bawat kwalipikadong kandidato ang ibibigay nila.
Kung lalampas aniya sa dalawa ito ay kung may imminent threat ang isang kandidato.
Sa ngayon ayon kay PNP chief batay sa kanyang pag-iikot sa mga PNP regional offices maayos itong nasusunod nang kanyang mga tauhan.