Kinumpirma ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) na mayruong 200,000 doses ng Astrazeneca vaccine ang inaasahan nilang matanggap mula sa Department of Health (DOH) para sa pagbabakuna ng kanilang mga tauhan hindi lamang dito sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ibat-ibang regional police offices sa buong bansa kasama ang mga island provinces at municipalities.
Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, nitong nakaraang Biyernes, August 6,2021, natanggap nila ang paunang 10,800 doses ng Astra Zeneca vaccine na para lamang sa mga police personnel dito sa NCR Plus.
” We received another 1,350 vials AstraZeneca good for 10,800 doses from DOH. Para pa rin sa NCR Plus ito Anne,” mensahe na ipinadala ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Sinabi ng Heneral, tumaas ang bilang ng mga pulis na nagpa bakuna dahil na rin sa banta ng Delta variant at sa inilabas nilang stern reminder na magpa bakuna na para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
Sa datos ng PNP Health Service (HS) karamihan sa mga pulis na hindi pa nababakunahan ay mula sa ibat-ibang regional police offices, kung saan 106,220 o 48.14% sa kabuuang 220,662 pwersa ng PNP ang hindi pa nabakunahan.
Ayon kay Lt. Gen. Vera Cruz, as of August 7,2021 nasa 59,466 pulis na ang fully vaccinated habang 54,976 naman ang nabakunahan na ng first dose.
Sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nasa 12,025 pulis o 53.69% na ang fully vaccinated.
Inihayag din ng Heneral, malaking tulong sa vaccination program ng PNP ang 200-K doses ng AstraZeneca na ibinigay ng DOH para mabakunahan na rin ang kanilang mga tauhan sa ibat-ibang police offices.
” Yes karamihan ng mga unvaccinated eh sa regional offices, May hinihintay kami 200,000 doses na AstraZeneca bulk of which ay intended nga sa mga regions kasama na dito yung mga island provinces and municipalities na isasabay ang shipment sa allocation ng mga LGUs. I believed yung 10,800 doses na binigay ng DOH last Friday ay part ng 200K na allocation sa PNP. Mga regional health service units ang mag-administer nito sa mga personnel namin sa regions,” dagdag na mensahe na ipinadala ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.