-- Advertisements --

covidascotf5

Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayruon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta variant ay mga personnel mula sa PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Nagpositibo sa Covid-19 virus ang tatlong pulis nuong buwan ng July at agad isinailalim sa 14 day quarantine ang mga ito.

Subalit lumabas ang genome sequencing result ng tatlong pulis ngayong buwan lamang ng Agosto,dahilan para sila ay inatasang sumailalim muli sa RT PCR test .

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa resulta sa isinagawang swab test isa sa tatlong pulis ang nagpositibo muli sa Covid-19 virus at kasalukuyang admitted sa isang LGU facility.

Habang ang isa ay nag negatibo sa swab test at kasakuluyang naka home quarantine at sumailalim sa RT-PCR test ngayong araw August 12,2021.

Ang isa pang pulis ay naghihintay ng kaniyang RT PCR test result at kasalukuyang naka home quarantine.

” So far we have 3 confirmed Delta variant cases. They were tested covid positive last July and had finished their 14day isolation. However, results of their genome sequencing were only released this August kaya they were directed to immediately undergo Rtpcr test again by DOH. Unfortunely, 1 was tested positive again and now admitted in an LGU isolation facility while another 1 was tested negative but is still on home quarantine for reswabbing on August 12. The other 1 is still awaiting result of his Rtpcr and also on home quarantine,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Kinumupirma din ng heneral na patuloy ang pagtaas ng Covid-19 active cases sa kanilang hanay kung saan sumampa na ito sa 1,868 as of August 12,2021.

Sa nasabing bilang 1,491 dito ay mula sa mga Police regional offices, 12.4% o 224 dito ay mula sa National Operational Support Units (NOSUs), 70 mula sa National Administrative Units (NASU) at 63 sa National Headquarters (NHQ).

” Actually ECQ man o hindi or regardless of the quarantine status, minomonitor natin mga new cases natin on a daily basis as reflected sa PNP CODA or Covid Data. Based on our data, madami talaga nai-infect sa mga units performing operational functions especially sa PROs & NOSUs,” dagdag pa ni Vera Cruz.

covidascotf2

Nitong Martes August 10,2021, ininspeksyon nina PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at Lt. Gen. Vera Cruz ang mga quarantine facilities ng PNP at swabbing facilities sa Camp Crame, PICC, MOA at ULTRA.

Sinabi ni Vera Cruz, sa kabila ng pagsirit muli ng Covid-19 cases sa kanilang hanay, hindi pa rin puno ang kanilang bed capacity lalo na sa Camp Crame.

Batay sa datos ng ASCOTF at PNP Health Service nasa 35% ngayon ang occupancy rate sa Camp Crame, 21% sa NCRPO, 61% sa ULTRA at 45% sa PICC.

” Ok naman readiness ng mga Quarantine Facility/Swabbing Facility natin Anne though tumataas talaga new cases,” wika ng Heneral.

Patuloy namang pina-alalahanan ni Lt. Gen. Vera Cruz ang mga kapulisan na striktong sundin ang minimum public health standard (MPHS), doblehin ang pag-iingat para maproteksiyunan ang sarili lalo na at may kumpirmadong kaso na ng Delta variant sa PNP.

Ang Delta variant ng Covid-19 ay 60% highly transmissible kumpara sa iba pang mga variant na unang nagsilabasan.

“Ang akin lang paalala sa ating mga kapulisan ay ang ibayong pag iingat lalo na ngayon na may mga confirmed cases na ng delta variant mula sa ating hanay. Ang delta variant ay sinasabing 60% highly transmissible than the alpha or UK variant kaya kinakailangan natin ang dobleng pag iingat para proteksyunan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng kahit anung brand ng vaccine na available sa ating mga lugar; ang pag sunod sa established health protocols to break the virus transmission; at ang pagdadasal ng taimtim na tayo ay gabayan ng Poong Maykapal sa hamon ng kasalukuyang pandemya. Napakalaki ng papel na ginagampanan nating mga kapulisan sa kampanya ng ating gobyerno para labanan itong kasalukuyang pandemya kaya napaka importante na mapanatili natin ang magandang kalusugan sa ating mga hanay,” mensahe ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.