-- Advertisements --

May lead na ang Philippine National Police sa kinaroroonan ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo sa gitna ng nagpapatuloy na manhunt operation ngayon ng mga otoridad laban sa naturang wanted na pastor.

Gayunpaman ay tumanggi muna sa ngayon ni PCol. Fajardo na magbigay pa ng karagdagang mga detalye ukol dito upang maiwasang makompromiso ang ginagawang operasyon ng mga otoridad.

Kung maaalala, una nang sinabi ng PNP na hindi na lamang limitado sa Davao area ang kanilang ginagawang paghahanap kay Pastor Quiboloy, habang wala pa naman anila silang natatanggap na anumang impormasyon na posibleng nakalabas na ito sa Pilipinas.