-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mayroon nang mga persons of interest sa nangyaring panloloob sa bahay ng isang abogado at misis nito na retiradong guro sa Barangay Poblacion, San Dionisio, Iloilo.

Ang mga biktima ay sina Leopoldo Esquibel, 72 at ang misis naman nito ay si Connie Esquibel, 69.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Soviet Torre, hepe ng San Dionisio Municipal Police Station, sinabi nito na lumabas sa kanilang imbestigasyon na anim ang mga persons of interest sa krimen.

Anya, ang nasabing numero ay base rin sa kanilang panayam sa mga hindi pinangalanang mga witness.

Sa ngayon, nakalabas na ang mag-asawa matapos nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Palaisipan rin anya kung bakit walang kinuhang anumang gamit ang suspek sa loob ng bahay ng mga biktima.