-- Advertisements --
Handang maglaan ng libreng sakay ang PNP sa araw ng Lunes kung matuloy ang planong tigil pasada ng ilang transport group.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na gaya aniya ng mga nagdaang transport strike ay may inilaan silang mga sasakyan para sa mga mamamayan na maapektuhan ng nasabing tigil pasada.
Pagtitiyak naman nito na maaaring maharap sa anumang kaso ang ilang tsuper kung sila ay lalabag at hindi na magiging mapayapa ang ikakasa nilang tigil pasada.
Magugunitang ibinahagi ni Manilbela president Mar Valbuena na magkakaroon muna sila ng pagpupulong ngayong araw sa Malacanang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dito malalaman kung matutuloy ang kanilang tigil pasada.