Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na sila sakaling luwagan na ang quarantine status ng Metro Manila, sakaling mula sa General Community Quarantine ay gawin na itong Modified General Community Quarantine.
Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, nakalatag ang kanilang plano sakaling dumami na ang mga tao sa NCR.
Sinabi ni Cascolan, mahigpit ang kaniyang direktiba sa lahat ng mga local police commanders na kapag may mga sasakyan na tatawid mula sa ibang probinsya at tignan sa checkpoint kung overloaded ba ito o hindi.
Tuloy-tuloy din anila ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga Local
government unit para ipatupad pa rin ang health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shields, at social distancing.
Nabatid na hanggang September 30 lang inilagay sa GCQ ang NCR. Inaasahan naman na iaanunsyo ang bagong quarantine status sa NCR anumang oras sa mga susunod na araw.