-- Advertisements --

May tatlong persons of interest na umano na iniimbestigahan ang PNP kaugnay sa pagpaslang sa siyam katao kung saan dalawa dito ay ang core group ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).

Gayunman agad din itong pinalaya matapos na maimbestigahan.

Ayon kay PNP PRO-6 regional police director C/Supt. John Bulalacao, mataas ang porsiyento na mga miyembro ng CPP-NPA ang nasa likod ng pagpatay.

“Yung mga iba pang iniimbestigahan na kasama ng mga naging biktima ay members ng core group ng NFSW at although they were already released to their lawyers last night,” pahayag ni Bulalacao.

Sa ngayon ongoing pa rin ang isinasagawang pag-iimbestiga sa crime scene ng PNP-SOCO.

May nakuhang armas at mga rounds of ammunition sa crime scene ang mga pulis.

Pinamamadali na rin ni Bulalacao sa SOCO na bilisan ang isinasagawang paraffin test at ballistic examination.

Isa sa tinitignan ng mga pulis ang posibilidad na lumaban ang mga biktima.

Habang ang mga survivors ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sagay Police Station.

“Meron tayong mga ebidensiya nakuha doon sa crime scene and may firearms, may mga rounds of ammunition na dala mismo ng mga biktima. In fact, sinubmit na rin sila for paraffin test and ‘yung kanilang firearms were also submitted for ballistics examination and the spent shells that were recovered in the area,” wika pa ni Bulalacao.