-- Advertisements --

KORONADAL CITY – May persons of interest na ang mga otoridad sa nangyaring pananambang patay sa dalawang Grade 11 student sa Pikit, Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Jamer Pundato Ebrahim,21 anyos at Muhaliden Sangbaan Amer,20,pawang grade 11 at residente ng Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Sa ekslusibong panayam sang Bombo Radyo Koronadal kay PMaj. Arvin John Cambang-COP Pikit MPS sakay sa Suzuki 150 raider na motorsiklo ang mga biktima galing sa bahay ng kanilang klasmet at papauwi na sana sa kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit ng mga biktima sa hangganan ng Barangay Ladtingan at Brgy Calawag sa bayan ng Pikit ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite rifles at kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa Pikit SGA-BARMM. Personal naman na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa naturang biktima.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Kinondena naman ni Pikit Mayor Sumulong Sultan ang pamamaril patay sa mga biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.