-- Advertisements --

Mayroon ng pagkakakilanlan ang kapulisan ng Quezon city sa pumatay kay National Center for Mental Health (NCMH) chief Dr. Roland Cortez.

Ayon kay Police Brigadier General Ronnie Montejo ng Quezon City Police District, malapit na nilang ihain ang kaso matapos na nakilala na nila ang driver ng motorsiklo na sinakyan ng suspek.

Magugunitang pinatay si Cortez noong Hulyo 27 sa kahabaan ng Tandang Sora, Quezon City kung saan nasawi rin sa insidente ang driver nito na si Ernesto Dela Cruz.

Nakakuha rin sila ng impormasyon na mayroong natatanggap na banta sa buhay si Cortez ilang araw bago ang insidente.