Maganda ang itinatakbo ng imbestigasyon ng PNP sa kaso ng mga nawawalang mga sabungero.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, may update sila ngayon sa ginawang pag-iimbestiga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ngunit tumanggi muna itong ilahad sa publiko dahil sa araw na ito ay haharap muna sila kay DILG Sec. Eduardo Año para sa case briefing.
Sinabi ni Carlos, na tatalima din sila sa itinakdang 30 araw na deadline ng Malakanyang para makapaglabas ng resulta ng imbestigasyon ang PNP at NBI sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Nangako ang pamunuan ng PNP na noong nakaraang Linggo ay maghaharap sila ng kaso laban sa mga Security Personnel ng Manila Arena hinggil sa pagkawala ng anim na Sabungero ngunit ito ay naantala.
Pati ang pagdinig ng Senate Committe on Public Order ay sinuspendi upang bigyang daan ang imbestigasyon ng NBI at PNP.