-- Advertisements --

Magpapadala ng dagdag na pwersa ang Philippine National Police (PNP) para tumulong sa nagpapatuloy na humanitarian operations sa Batangas kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, naka stand-by na ang kanilang Medical reserve force na binubuo ng 2,000 doktor at nurse.

Magbibigay umano ang mga pulis ng medical assistance para sa mga apektado ng aktibidad ng bulkan.

Bukod dito, tutulong din sila sa pagbabakuna kung kinakailangan.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar na nakapagtatag na ang CALABARZON Police ng mga police assistance desk sa mga evacuation centers.

Sinabi ni Eleazar na kaniya ng pinaghahanda ang MRF para sa posibleng deployment para tulungan ang Covid-19 vaccination drive sa Batangas.

Binisita kahapon ni Eleazar ang mga evacuation centers personal tignan ang ipinatutupad na seguridad ng PNP at alamin ang kalagayan ng mga kababayan na nagsilikas.

Binigyang-diin ni Eleazar na ang presensiya ng mga pulis sa mga evacuation centers ay para tiyakin na napapanatili ang pagpapatupad ng minimum public health standard.

Ipinag-utos din ni Eleazar ang pagtupad ng striktong mga checkpoints para mapigilan ang mga residente na umuwi sa kanilang mga tahanan.