CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) ang isang pulis at dalawa nitong kasamahan dakong alas 7:45 nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.
Nakilala ang mga suspek na sina Patrolman Jassim Mohammad Aking at dalawang kasama nito na sina Sandatu Macmod at Fatima Usman.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Quiruben Manalang na nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng PDEA-BAR katuwang ang pulisya sa isang palamigan sa bahagi ng San Isidro Street Barangay Rosary Heights 10 sa lungsod.
Nang i-abot na ng mga suspek ang droga sa isang PDEA-Asset ay doon na ito hinuli.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 12 gramos ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000.00, kasama ng object of sale na isang malaking pakete shanu na tumutimbang ng 50 grams na may drug market value na P34,000.00.
Nakarekober din ng PDEA-BAR ang mga IDs,Cellphone, susi ng Suzuki multicab at nabawi din ang P100,000.00 boodle money.
Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.