ROXAS CITY – Umabot na sa siyam ang kumpirmadong patay sa simultaneous serving search warrant operation ng mga kasapi ng Philippine Army at Philippine National Police sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo.
Ito ang sinabi ni Lt. Col. Gervacio Balmaceda Jr., regional chief ng CIDG sa isinagawang press conference ng Police Regional Office (PRO)-6.
Ayon kay Balmaceda na pito ang mga naaresto sa Calinog, Iloilo; tatlo sa Barangay Masaroy at apat sa Barangay Garangan.
Umabot naman sa 10 mga indibidwal ang naaresto na kinabibilangan ng isa sa Barangay Lahug, dalawa sa Barangay Tacayan, apat sa Barangay Roosevelt at isa naman sa Barangay Acuña, Aglinab at Nayawan bayan ng Tapaz, Capiz.
Samantala, umabot naman sa siyam ang kumpirmadong patay sa police operation matapos lumaban sa mga otoridad kung saan tatlo sa Barangay Lahug, tig-isa naman sa mga Barangay Tacayan, Aglinab, Acuña, Daan Sur at dalawa sa Nayawan.
Dagdag pa nito na nagsanib puwersa ang mga otoridad sa naturang operasyon.